Saturday, January 2, 2016

Home Reading Report in Filipino (Tagalog)

Pamagat: Malang Panginoon
(Isang Pagsusuri)


I. Paksa

Tema:  
Ang kuwentong, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Masusuri dito ang agwat ng mayayaman sa mahihirap na tao sa lipunan. Mababatid din ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri, na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri, na makikita sa tauhang si Marcos. Umiikot ang buong kwento sa pagpatay ng katarungan, kalayaan at hustisya sa mabababang uri ng mga tao sa lipunan.


Kinamkam ni Don Teong ang lupaing sinasaka nina Marcos na mula pa sa kanilang ninuno. Namatay ang ama ni Marcos sa sobrang sama ng loob nito kay Don Teong samantalang ang tiyuhin nito ay namatay din habang nagsisilbi dito. Nang malaman ni Don Teong na magkasintahan si Marcos at si Anita, ang anak nito, sinaktan niya ito hanggang sa magkasakit. Lalong sumama ang loob nito Marcos kay Don Teong at ginusto nitong maghiganti.


III. Tauhan

a. Marcos – binatang magsasaka na namatayan ng ama, tiyuhin, at kasintahan at masama ang loob kay Don Teong

b. Don Teong – mayamang nagkamkam ng lupa nina Marcos at binuwisan sila, hanggang mabigyan na ng taning na palayasin ang pamilya ng magsasaka sa kanilang lupa

c. Anita – anak ni Don Teong at kasintahan ni Marcos. Namatay dahil sa pananakit ng ama.
d. Ina ni Marcos – ang kaisa-isang natirang kasama ni Marcos at dahilan kung bakit nagtitiis siya para lumigaya ang ina.


IV. Tagpuan

Ang kwento ay naganap sa isang bukid sa bayan nila Marcos at Don Teong. 

V. Banghay

Si Marcos ay isang binatang maralita na magsasaka. Patay na ang kanyang ama’t tiyuhin at ang kasama na lang niya’y ang kanyang ina.

Nagsasaka sila sa lupang pagmamay-ari umano ng ninuno nila, subalit kinamkam ito ng isang mayamang nagngangalang Don Teong. Namatay ang ama niya sa sama ng loob dito, habang ang tiyuhin niya ay namatay habang nagsisilbi sa Don.

Si Anita, ang anak ni Don Teong, ay isang dalagang matapos mag-aral sa Maynila ay bumalik sa nayon nila. Nag-iibigan sila ni Marcos. Noong nalaman ni Don Teong na magkasintahan ang anak niya’t si Marcos ay sinimulan niyang saktan si Anita, hanggang ito ay magkasakit at mamatay. Dahil dito, mas sumama pa ang loob ni Marcos sa Don at ginusto niyang maghiganti rito.

Sa dahilang si Marcos ay isang magsasaka, mayroon siyang kalabaw na mahal niya sa lahat ng mga alaga niya. Kung umaga’y kasama niya ito para magsaka, at kung gabi’y iniiwan niya ito sa dulo ng lupang nililibot ni Don Teong araw-araw.

Isang gabi’y biglang umuwi si Marcos na may dala-dalang mga gamit na gaya ng sinusuot ni Don Teong. Simula nito’y lagi na siyang ginagabi umuwi dahil sinasaktan niya ang kanyang kalabaw habang sinusuot ang mga ito kung gabi. Nilalatigo niya ito hanggang ito ay umungol na umano’y naririnig hanggang sa bayan.

Isang gabi’y biglang kumalat ang balitang namatay na raw si Don Teong. Wasak-wasak daw ang katawan niya dahil sinugod siya at sinungay ng kalabaw habang siya’y naglilibot sa kanyang lupa, sa pag-aakalang ito ang nananakit sa kanya kung gabi.


VI. Simbolo at Pahiwatig

Ang kalabaw ang naging simbolo ng kwento. Sa pamamagitan ng kalabaw, nakamit ni Marcos ang inaasam  niyang maghihiganti kay Don Teong.


VII. Talasalitaan

Animas – pagtunog ng kampana sa simbahan Kakirot – kasakit
Batingaw – kampana Ningas – alab, apoy
Sinisiputan – dinadatnan Pagkuyom – pananakit
Sinamsam – kinukuha Nakapagpalubag – nakapagpakalma
Takipan at talinduwa – pagsasabwatan Nagsimpan – umamin, naghayag


VIII. Aral

Bigyan ng hustisya ang mahihirap na tao sa lipunan at bigyan sila ng karapatan. Huwag gamitin ang kapangyarihan upang tapakan ang maliliit at mahihirap na tao.

Credit: Deogracias A. Rosario

No comments:

Post a Comment